Sa video na ito, aalamin natin ang mga sumusunod:
- Pag-edit ng text sa Word
- Pag-select ng text
- Pag-delete ng text
- Pag-cut, copy, at paste ng text
- Paggamit ng undo at redo
Exercise Files
Upang mapadali ang inyong pagsabay sa aralin, maaaring i-download ang sample at exercise files:
Pag-Edit ng Text
Bilang isang word processor, ang pangunahing gamit ng Microsoft Word ay sa paggawa at pag-edit ng text documents. g keyboard. Maaaring pisikal na keyboard ito sa mga desktop at laptop at maaari ring on-screen o digital ang keyboard sa mga tablet at smartphone.
Dito, gamit natin ang Microsoft 365 sa isang Windows desktop kaya pisikal na keyboard ang ating gamit.
Para maglagay o magdagdag ng text content, itapat sa document window ang cursor gamit ang mouse at i-click dito. Makikitang magbi-blink ang cursor sa gawing itaas ng ating blank document. Ang cursor din ang magsasabi kung saang banda lalabas ang ating ita-type sa ating keyboard.
Maaaring mag-type ng alpabeto, numbero, at simbulo. Ang spacebar naman ang kailangang pindutin upang maglagay ng puwang sa pagitan ng kada salita.
Subukan nating mag-type ng kahit na anong content.
Kung mahaba ang pangugusap na isusulat at aabot ito sa dulo ng pahina sa kanan, kusang bababa ng linya ang cursor. Maaari pinduting magkasabay ang Shift at Enter upang gumawa ng bagong linya.
Para naman gumawa ng bagong talata o paragraph, pindutin lamang ang Enter key.
Pwede ding pagsamahin ang dalawang paragraph. Itapat ang cursor sa simula ng ikalawang paragraph at pindutin ang backspace. Magsasama bilang isa ang mga pinagkabit na mga paragraph.
Kusa ding gagawa ng bagong pahina ang Word kung lalagpas ang content sa dulo ng page sa ibaba. Pindutin naman at i-hold ang Ctrl kasabay ng Enter upang gumawa ng panibagong pahina.
Pag-Select ng Text
Kapag may nai-type nang content sa ating document ay maaari nang galawin ang cursor. Gamitin lamang ang arrow keys sa keyboard o i-click ang mouse sa nais kapuntahan ng cursor. Magagamit ito upang magsingit ng ita-type sa pagitan ng
Para naman mag-select ng bahagi ng ating content, pwedeng i-click at drag ang mouse sa ibabaw ng mga nais ma-select. Maaaring mag-select ng buong mga salita, pangungusap, o talata.
Gamit ang keyboard, maaaring pindutin ang Shift at Arrow Key upang mag-select ng paisa-isang character. Pagsabayin naman ang Ctrl at Shift at Arrow Key upang mag-select ng buong mga salita.
Gamit ang mouse, maaaring i-double click ang salita upang ma-select ito. I-triple-click naman ang salita upang ma-select ang buong pangungusap kung saan matatagpuan ito.
Pag-Delete ng Text
Para magbura ng nai-type, pindutin ang Backspace upang magbura ng text sa kaliwa ng cursor. Maaari ring pinduting ang Del o Delete key upang magbura ng text sa kanan ng cursor.
Kapag naman pinindot ang Delete o Backspace key habang may naka-select ay mabubura ang iyong selection gaano man kaikli o kahaba ito. Halimbawa ay naka-select tayo ng buong pangungusap. Kapag pinindot natin ang Delete o Backspace ay buburahin nito ang lahat ng kasama sa selection.
Pag-Cut, Copy, at Paste
Ngayon naman, alamin natin kung paano mag-cut, copy, at paste. Magagamit itong mga commands na ito upang makapaglipat at magkopya ng content mula sa isang bahagi ng dokumento papunta sa iba.
Pansamantalang ilalagay o kokopyahin sa isang bahagi ng memory ng computer (na tinatawag ding clipboard) ang ating na-cut o na-copy na impormasyon.
Kapag tayo ay nag-cut, matatanggal sa orihinal na pwesto ang impormasyon at malalagay sa clipbaord.
Kapag copy naman ang ginawa ay maiiwan ang orihinal na impormasyon at gagawan ng panibagong kopya sa clipboard.
Ang impormasyong na nasa clipboard ay maaaring i-paste sa kung saan natin nais ilagay.
Para mag-cut o mag-copy ay i-select lang ang impormasyon tulad ng text at pindutin ang cut o kaya copy sa ribbon ng Home tab.
May mga shortcut keys din na pwedeng gamitin:
Command | Shortcut Key |
---|---|
Cut | Ctrl + X |
Copy | Ctrl + C |
Paste | Ctrl + V |
Sa Windows ang clipboard ay madalas pwedeng gamitin across applications. Ibig sabihin maaaring mag-copy and paste mula sa ibang applications sa Windows tulad ng web browser, Notepad, PowerPoint, at Excel papunta sa Word.
Pag-Undo at Redo
May mga command din ang Word na magagamit kung sakaling may nagawa tayong mali sa ating document. Gamit ang Undo command ay ire-revert ng Word ang huling command o action na ating ginawa. Pindutin lang ang Undo key o ang Ctrl at Z sa keyboard.
Ibabalik nito ang document sa estado bago natin ginawa ang isang command o action. Nire-record ni Word ang ating mga hakbang o actions kaya naman maaaring makapag-undo ng kahit ilang beses.
Ang Redo comman naman ay kabaliktaran ng Undo. Gamit ito, maaaring ulit-ulitin ang ating huling command na ating ginamit.
Mainam na gamitin ito upang hindi natin kailangang ulitin ang trabaho kung sakaling tayo ay nagkamali. Mag-ingat lamang dahil may mga proseso ang computer na maaaring magbura sa record ng actions ng software. Kaya ugaliing kilatisin o i-review ang ating document at mag-save para maging permanente ang ating mga nagawa sa document.