Ito ay bahagi ng serye ng video tutorials sa paggamit ng Microsoft Word.
Sa araling ito, aalamin natin ang mga sumusunod:
- paggawa ng lists;
- pag-align ng text;
- pag-adjust ng line spacing; at
- pagbukas sa Paragraph settings
Bukod sa text formatting, pwede din nating lapatan ng estilo at disenyo ang mas mahahabang bahagi ng ating text content gamit ang paragraph formatting at styles options. Ang mga ito ay makikita pa din sa ribbon ng Home tab.
Exercise Files
Upang mapadali ang inyong pagsabay sa aralin, maaaring i-download ang sample at exercise files:
Paggawa ng Lists
Madalas sa ating pagsusulat ay kailangan nating magbanggit ng grupo o set ng mga bagay. Mainam na ipakita natin ito sa ating document bilang listahan. At siyempre, pwede nating gawin ito gamit ang Word.
Pwede tayong gumamit ng bulleted list para sa mga listahang walang pagkakasunod-sunod. Ang bulleted list ay tinatawag ding unordered list.
Para gumawa ng bulleted list, i-select natin ang mga isasama sa listahan at i-click ang Bullets button. Ang default na bullet ay simpleng solid na bilog. Kung gustong gumamit ng ibang estilo ng bullet, i-click ang dropdown ng Bullets button at mamili.
Ang numbered list naman ay ginagamit kapag may pagkakasunud-sunod ang mga elemento ng listahan tulad ng mga hakbang, posisyon, o antas.
Tulad nang sa bulleted list, i-select lang din ang isasama sa listahan at i-click ang Numbering button sa ribbon.
Pwede ding bayaan natin si Word na automatic na gumawa ng list. Habang tayo ay nagta-type, maglagay lang ng asterisk (*) bago mag-type ng salita at kusa na itong ico-convert ang asterisk sa isang bullet. Ganun din naman kung mag-type tayo ng bilang sa simula. Automatic na ring gagawing numbered list ng Word ang ating listahan.
Maaari ding gumawa ng multi-level list. Ito ay mga listahan sa ilalim ng listahan.
Para umusog at ilagay sa “nested” list ang isang item, ilagay ang cursor sa linya nito pindutin ang Tab key sa keyboard. Pwede ding i-click ang increase o decrease indent sa ribbon.
Para magpalit-palit sa bulleted at numbered list, pindutin lamang nag nais na list type habang naka-select ang content na papalitan.
Pag-align ng Text
Gamit ang alignment, pwedeng i-set kung sa left, center, right, o justified ang pagkakatapat ng text.
Ang default na setting ay left ngunit may pagkakataong mainam na gamitin ang ibang alignment. Halimbawa, ang center alignment ay kadalasang ginagamit sa titulo ng akda. Ang right alignment naman ay gamit sa petsa at signature ng informal letters.
Ang justified naman ay pinagpapantay ang dulo ng lahat ng mga salita sa kanan. Kusa nitong dadagdagan ng espasyo ang pagitan ng mga salita sa bawat linya para magawa ito.
Kanina sa paggawa ng lists, nabanggit na natin ang pag-indent. May indent and outdent commands kung saan gagalaw ng isang tab length ang simula ng linya ng text. Gamitin ang commands na ito upang mapalitan ang indentation ng text. Madalas ay naka-indent ang unang linya ng talata o paragraph.
Pag-adjust ng Line Spacing
Maaari din nating lakihan o liitan ang line spacing o ang distansya sa pagitan ng kada linya. Kaysa manu-manong magdagdag ng linya, i-set na lamang ang nais na line spacing. I-click ang Line Spacing button at
Sa pag-aaral, madalas na requirement ng mga teacher at propesor sa mga term paper at report ay ang pagka-double space ng document. Ito ay para hindi masakit sa mata basahin ang document at espasyo na din ito para makapaglagay ng comments at corrections si teacher.
Sa readability naman ng office documents, kadalasan ay ginagamit ang 1.15 o 1.5 ang line spacing.
Pagbukas ng Paragraph Settings
Pwedeng i-click lang ang arrow sa bandang ibaba ng paragraph formatting options sa Home tab ribbon upang mabuksan ang Paragraph setting dialog box. Dito ay pwedeng baguhin ang mas maraming option at setting ng paragraph.
Sa kasamaan, medyo komplikado ang shortcut key ng Paragraph dialog box, hindi tulad ng Font dialog box na may madaling shortcut key. Kailangang pinduting magkakasunod ang Alt > H > P > G para mabuksan ito. Gamit ang dialog box, maaaring lapatan ng mas masinsin na settings ang talata. I-click lamang ang OK para ma-apply ang bagong setting.