Sa video na ito, aalamin natin ang mga sumusunod:
- Paggamit ng columns
- Paglagay ng breaks
- Pagdagdag ng content sa header at footer
Atin nang napag-aralan ang ilan sa mga Layout features sa ating pag-setup ng Word document. Ngayon, tingnan pa natin ang iba pang mga Layout tools na makatutulong sa pag-organisa ng ating document.
Exercise Files
Upang mapadali ang inyong pagsabay sa aralin, maaaring i-download ang exercise files:
Paggamit ng Columns
Pwede nating i-presenta ang ating content nang naka-columns. Mainam na gamitin ito upang maiayos ang text sections na parang sa diyaryo o magazine. Maaari rin itong gamitin upang tabi-tabing magpakita ng listahan.
Para gumawa ng columns, i-click lang ang columns. Mapapansing ang buong dokumento natin ay mahahati sa columns.
Pwede ring mag-select ng existing text at i-click ang columns at piliin kung sa ilan mahahati ang pahina.
Upang mas may control ang paggawa ng columns, piliin ang More Columns. Sa menu ay maaaring i-set ang bilang ng columns at ang espasyo sa gitna ng kada column. Sa Apply to: drop down, pwedeng i-select kung sa buong document, sa selected text, o sa puntong iyon ng document lang magkakaroon ng columns.
Importanteng malaman ito upang maintindihan ang behavior ng Word sa paggawa ng columns.
Paggamit ng Breaks
Ang breaks ay ginagamit upang markahan ang pagtatapos ng kada section.
Balikan nating ang columns. Dito sa ating halimbawa, may listahan tayo na nais nating i-display nang naka-two columns na pantay.
I-select natin ang list at mag-apply nang two columns. Mapapansing sa isang column lang iniwan ng Word ang items ng ating list. Upang mailagay natin ang kalahati ng listahan sa kabilang column ay kailangan nating lagyan ng column break.
May labindalawang items sa ating list kaya kung hahatiin natin nang pantay ay kailangang tig-anim ang kada column. Piliin ang ikapitong item at ilagay ang cursor sa simula ng linya. I-click ang Breaks button sa ribbon at piliin ang column break. Pwede ring gamitin ang shortcut key na Ctrl at Shift at Enter.
Maaari ring maglagay ng iba pang tipo ng break tulad ng Page Break at Section Breaks.
Upang malaman kung nasaan ang mga breaks sa document, bumalik lamang sa Home tab at i-click ang Show/Hide Paragraph Marks. Bukod sa impormasyon tungkol sa simula ng kada paragraph, ipinapakita rin nito ang line, section, column, at page breaks.
Paglagay ng Content sa Header at Footer
Ang header at footer ay ang espasyo sa itaas at ibabang margin na maaaring paglagyan ng content. Madalas ay inilalagay dito ang mga nauulit na elemento tulad ng letterhead, document title, at page numbers.
Upang maglagay ng content i-double click lamang ang header o footer section sa may top o bottom margin. Pwedeng mag-type ng text content.
Mapapansing, habang nasa header o footer section ang cursor ay lalabas ang Header and Footer tab. Gamit ito, makagagamit tayo ng presets kung saan ay maaaring dynamic information ang mailalagay.
Ang mga detalye tulad ng page number ay automatic na ilalagay ng Word. Hindi kailangang isa-isahin ang pahina.
May mga Quick Parts rin na naglalaman ng iba’t ibang data na pwedeng gamitin.
Kung nais na iba ang Header at Footer ng unang pahina tulad ng Title page, maaaring i-set din ito sa pag-check o uncheck ng Different first page.