Ito ay bahagi ng serye ng video tutorials sa paggamit ng Microsoft Word.
Sa araling ito, aalamin natin ang mga sumusunod:
- Ano ang Table
- Pag-insert ng Table
- Pag-select at Edit sa Table
- Pag-modify ng Table
- Paggamit ng Table Designs
Exercise Files
Upang mapadali ang inyong pagsunod sa aralin, maaaring i-download ang mga exercise files:
Ano ang Table
Kapag nais nating ipakita sa organisadong paraan ang ilang piling impormasyon, ay maaari tayong gumamit ng tables. Kadalasan ay gumagamit tayo ng Microsoft Excel para sa tabular data dahil sa advanced spreadsheet features nito. Ngunit, maaari din tayong gumawa ng tables gamit ang Word.
Sa tables, nakaayos ang datos gamit ang columns at rows. Nakapatayo ang columns at nakapahalang naman ang rows. Ang columns ginagamit sa pag-grupo ng impormasyon tulad ng pangalan, edad, o presyo samantalang ang row naman ay naglalaman ng datos tungkol sa isang tao, bagay, transaction, o entity.
Ang intersection ng mga ito ay tintatawag na cell. Maituturing itong “basic unit” ng isang table dahil naglalaman ito ng isang piraso ng impormasyon.
Pag-Insert ng Table
Upang mag-insert ng table sa Word ay i-click ang Insert tab at mula sa ribbon ay i-click ang Table. Sa dropdown ay may ilang options para makapaglagay ng table sa document.
Gamit mismo ang dropdown, pwede nating piliin ang laki gamit ang grid. I-hover lamang ang mouse sa grid at ipapakita ng grid ang laki ng magagawang table base sa naka-highlight. I-base ang laki ng table ayon sa datos na kailangang ilagay rito.
May pagkakataong baka kulang ang rows o columns na nasa grid sa balak na gawing table. Kung sakali, piliin ang Insert Table kaysa gumawa gamit ang nasa dropdown. Bubuksan nito ang Insert Table dialog box kung saan maaaring mag-enter ng actual values para sa kung ilang rows and columns ang talagang kailangan.
Dito sa sample ay kailangan natin ng isang 6 by 6 table.
Punuan natin ng datos ang table. Ang unang row ay kadalasang naglalaman ng column headings.
Pwede ring gamitin ang Draw Table kung saan maaaring gumuhit ng sariling linya para makagawa ng rows at columns sa mismong document. May mga Quick Tables din na pwedeng gamitin kung saan may table presets na may laman nang default data ang ige-generate na table.
Pag-Select at Edit sa Table
Sa tables, iba ang pag-select ng content ng cell at ng cell mismo. Para i-select ang buong cell, i-hover sa bandang kaliwa ng cell ang mouse cursor. Mag-iiba ito at magmumukhang itim na arrow. I-click ang cell. Pwede ring i-triple click ito upang ma-select ang buong cell. Upang malaman kung ang cell mismo ang naka-select, kailangan ay naka-highlight ang buong ito.
Kung sakaling kailangan nating palitan ang impormasyon na laman ng cell, ay kailangan lang ilagay ang cursor sa loob nito at maaaring mag-type, mag-edit, at mag-format ng text content.
Pag-Modify ng Table
Upang magdagdag ng rows at columns, i-right click lang ang cell, piliin ang insert, at pumili sa mga options. Pwedeng magdagdag ng buong row o column at kung ito ay mailalagay sa itaas o ibaba, o sa kaliwa o sa kanan ng cell.
Para naman lakihan o liitan ang column o row ay i-hover lang ang mouse cursor sa mga border ng cell. Mag-iiba ang simbulo ng cursor sa dalawang linya na may dalawang arrows. Kapag naging ganito na ang cursor ay maaaring i-click and drag ang cursor upang i-resize ang row o column.
Maaari ring magdagdag ng isang cell. Sa options ay pwedeng mamili kung paano gagalaw ang mga existing cells para maisingit ang bagong cell. Kapag sa gitna nagsingit ng bagong cell ay maaaring umusog ang nakalagay nang content.
Para naman mag-delete ng row o column, i-right click lang din cell at piliin ang Delete Cells. Papapiliin din tayo ng Word kung isang cell lang ang buburahin o buong row at column. Tulad ng pag-insert, uusog ang cells kung isa lang ang buburahin.
Pwede ring pagsamahin o i-merge ang dalawa o higit pang cells. Para mag-select ng multiple cells ay mag-click and drag lang upang gumawa ng selection. Pindutin ang right-click at piliin ang Merge Cells.
Para naman hatiin o i-split ang cell, i-right click ang cell at piliin ang Split Cells. Ilagay lang kung paano nais hatiin ang cell. Pwedeng ilagay kung sa ilang column o row ito hahatiin.
Sa mas bagong versions ng Word ay lalong pinadali nito ang pag-edit ng tables gamit ang Table Layout tab. Accessible dito ang lahat ng tools para mag-modify ng table kasama ang
Pwede ring visually na magdagdag, magbura, o mag-split ng cells tulad ng sa Draw Table. I-click lang ang Draw Table o Eraser tools at mag-drawing ng linya o magbura sa existing table.
Table Design
Maaaring disenyuhan ang table gamit ang Table Tools tab. I-click ito at mamili mula sa iba’t ibang table styles. Gamit ito, pwede ring mag-set ng border styles at cell shading (o ang kulay ng cells).
Upang mas makapag-set ng masinsin na settings, pwedeng i-right click ang table, piliin ang Table Propertties. Mula rito sa dialog box ay pwedeng maglagay ng iba’t ibang setting tulad ng text alignment, indentation, at row at column sizes.
Mabuting mag-eksperimento gamit ang mga tools at settings upang mahasa sa paggamit at behaviors nitong mga ito.