Sa araling ito, aalamin natin ang mga sumusunod:
- paggamit ng citations
- paggamit ng footnote at endnote
- paglagay ng bibliography
- paglagay ng table of contents
Exercise Files
Upang mapadali ang inyong pagsabay sa aralin, maaaring i-download ang exercise files:
Paggamit ng Citations
Sa ating pagsusulat, madalas ay kailangan nating sumangguni sa mga references. Bahagi ito ng wastong scholarship at nagbibigay kredibilidad sa ating akda. Ito ay pag-respeto na rin sa intellectual property ng iba sa pamamagitan ng pagbigay ng credit sa kanila bilang sources. Maiiwasan din natin ang plagiarism.
Sa paglagay ng citations, kailangan rin nating sumunod sa publishing styles. Ito ay mga standards na sinusunod ng mga iba’t ibang grupo ng mga scholar sa kanilang pagsusulat at paglilimbag. Ang APA ay gamit sa social sciences, business, at technology. Ang MLA ay gamit sa arts and humanities. May iba pang mga citation styles bukod dito. Alamin mula sa inyong teacher o propesor kung ano ang required sa inyong asignatura.
Sa Word, madaling gumamit ng citations dahil may reference tools mismo ang software.
Isulat ang kataga, linya, o mga talata na hango mula sa ibang akda. Sa halimbawa ay may paraphrase tayo mula sa ibang manunulat. I-click ang References tab. Sa Citations & Bibliography cluster, pumili ng naaayong citation style. Sa ating halimbawa, APA ang gamit natin.
I-click ang Insert Citation, piliin ang Add New Source. Bubuksan nito ang Create Source box.
Dito sa box ay maaaring ilagay ang bibliographic details. Piliin ang type of source. Pwedeng pisikal na libro o dokumento o kaya ay web page o electronic source ito. May pulang asterisk (*) ang mga essential na information. Ilagay ang mga detalye ng source. Upang maglagay ng karagdagang impormasyon, i-check ang Show All Biliographic Fields.
I-click ang OK. Maglalagay agad ang Word ng parenthetical in-line citation sa ating naidagdag na source. Kung kailangang i-cite muli ang source, makikita na ito sa ating Insert Citation list.
Ang kagandahan ng feature na ito ng Word ay lahat ng iyong mga nailagay na sources ay nakalagay na sa isang database kung saan madaling i-cite muli ang isang reference.
Kung kailangan namang palitan ang entry, i-click ang Manage Sources. Dito, pwedeng i-edit o i-delete ang source. Depende sa account na gamit, naka-store na rin sa database ang mga sources na nagamit na sa iba pang mga documents. Pwedeng idagdag itong mga ito sa current document.
Paggamit ng Footnote at Endnote
Pwede rin tayong maglagay ng footnote at endnote sa ating isinusulat. Gamit itong mga ito upang maglagay ng karadagang impormasyon sa paraang hindi ito makagugulo sa daloy ng ating sulatin.
Itapat lamang ang cursor sa salita o ideya na ating gustong palawigin, at i-click ang Insert Footnote o Insert Endnote. Magkakaroon ng superscript na nakatutok sa ating note. Ang footnote ay lumalabas sa footer ng ating page habang ang endnote naman ay sa dulo ng dokumento inilalagay.
Ilagay ang karadgdagang impormasyon. Automatic na mag-a-adjust ang numbering the notes tuwing may idadagdag o ibabawas tayong note.
Paglagay ng Bibliography
Ang bibliography ay ang kumpletong listahan ng ating mga nagamit na sources sa ating document. Kung gamit natin ang citations feature ng word ay pwedeng i-generate na lang natin ito.
Gumawa ng bagong pahina sa dulo ng ating document. I-click ang Bibliography at pumili ng preset.
Kusang gagawa ang Word ng bibliography kung saan nakasulat ang lahat ng ating mga sources sa formatting na ayon sa citation style na gamit. Nakadepende rin sa citation style kung ano ang itatawag sa bibliography. Sa APA, “bibliography” ang tawag dito. Sa MLA, “works cited” ang tawag.
Kung may changes tayo sa ating sources, pwedeng i-click ang Update Citations & Bibliography upang ang pinakabagong detalye ang maisama sa generated na bibliography.
Paglagay ng Table of Contents
Tulad ng sa Bibliography, pwede rin tayong mag-generate ng Table of Contents para sa ating akda.
Gumawa tayo ng bagong pahina pagkatapos ng ating title page gamit ang Insert > Blank Page. Itapat sa blank page ang cursor, I-click lang ang Table of Contents at pumili sa mga preset. Magdaragdag ang Word ng ating Table of Contents.
Kung may mga pagbabago sa content ng document at maaaring umusog ang pagination, i-click lamang ang Update Table button upang maipakita ang ating mga pagbabago.