Ito ay bahagi ng serye ng video tutorials sa paggamit ng Microsoft Word.
Ngayon, aalamin natin ang mga sumusunod:
- Ano ang Microsoft Word
- Paano buksan ang Microsoft Word
- Ano ang bahagi ng graphical user interface o GUI ng Microsoft Word
- Paano magdagdag ng text content sa Word document
- Paano mag-save ng Word document
Gamit natin dito ang pinakabagong version ng Word sa Microsoft 365.
Ang Microsoft Word
Ang Microsoft Word o Word ang word processor app ng Office productivity suite. Ito ang ginagamit sa paggawa ng mga text documents tulad ng mga liham, report, sanaysay, kwento at iba pang mga akda.
Pagbukas o Pag-launch ng Microsoft Word
May ilang paraan para buksan o i-launch ang Word.
Maaari itong buksan mula sa Start Menu:
- Gamit ang mouse, i-click ang Start button o pindutin sa keyboard ang Windows key
- I-type ang “Word”
- I-click ang icon o pinduting ang Enter key
- Hintaying magbukas ang Word application window
- I-click ang Blank document
Maaari ding buksan ang Microsoft Word sa pamamagitan ng pagbukas o pag-open ng Microsoft Word document.
- I-double-click ang icon ng Word Document mula sa Windows Explorer o desktop
- Hintaying magbukas ang Word application window
- Magbubukas ang Word at direkta din nitong bubuksan ang iyong napiling Word document
Ang GUI ng Microsoft Word
Ang graphical user interface o GUI ay ang mga iba’t ibang component o bahagi ng application na iyong makikita sa monitor o screen. Ito ang iyong makaka-interact para ma-access ang iba’t ibang feature ng software.
Magsimula tayo dito sa pinaktaas.
- Ito ang Quick Access Bar – Dito nakalagay ang ilang mga pinakagamit na commands ng Word tulad ng Autosave toggle, Undo, Redo, at Save.
- Ito naman ang Title Bar – Ipinapakita nito ang pangalan ng nakabukas na Word document
- Katabi nito ang Search Bar – Maaaring maglagay ng search terms kung may hinahanap kang command o feature sa Word
- Sa may bandang kanan, makikita ang Sign In button – Gamit ito para maka-sign in sa Microsoft 365 gamit ang iyong Microsoft account. Naka-sign in tayo ngayon sa ating account.
- Sa itaas pa din. Dito makikita ang Tabs – Ito ay ang grouping o pagka-grupo ng mga commands at features sa Word base sa kanilang gamit
- Sa baba nito, makikita ang maraming icons sa Ribbon – Dito nakalatag ang mga commands, features, at options ng kada Tab
- Sa gitna ng window ay ang Document Window – Ito mismo ang ating document. Dito lalabas ang ating tina-type.
- Tingnan naman nating ang mga nasa baba. Sa bandang kaliwa, makikita ang Status Bar – Ipinapakita ang mga piling imporasyon tulad ng kung anong pahina o page ang naka-display sa Document Window, ilang pahina mayroon ang dokumento, at kung gaano kahaba base sa dami ng salita ang document
- Sa bandang kanan, makikita ang Zoom Control – Dito maa-access ang commands para palitan ang view ng document. Maaaring mag-zoom in at out kung sakaling kailangan lakihan o liitan ang pag-display ng dokumento sa screen
Paglagay ng Text Content
Simulan nating gamiting ang Word. I-click ang kahit anong parte ng Document Window gamit ang inyong mouse. Makikitang magbi-blink ang inyong cursor sa unang linya ng page. Mag-type tayo. Para bumaba ng linya ang cursor. Pindutin lamang ang Enter key.
Pag-save ng Document
Para maging permanente ang ating document, kailangan natin itong i-save sa ating computer. Para simulan ang pag-save, maaaring gam:
- I-click ang Save icon sa Quick Access bar
- I-click ang File tab at piliin ang save.
Sa unang pag-save, lalabas ang Save dialog box kung saan papapiliin tayo ni Word kung saan sa ating computer natin balak ilagay ang document. Kadalasan ito ay naka-default sa Documents folder ng Windows.
Palitan ang file name o pangalan ng document. I-click ang Save button.
Kung ikaw ay may Microsoft 365 subscription, maaari ding piliin ang OneDrive para sa cloud i-save.
Kapag natapos ang pag-save ng document, babalik ang Word sa ating active document. Sa susunod na pindutin ang Save ay iu-update lang ng Word ang document kasama ang ating mga in-edit o dinagdag sa document.