Sa araling ito, aalamin natin ang mga sumusunod.
- Paggawa ng Tables Mula sa Data
- Paggamit ng Table Design
- Pag-Sort at Filter ng Data
- Paggamit ng Freeze Pane
Exercise Files
Upang mapadali ang inyong pagsunod sa aralin, maaaring i-download ang mga exercise files:
Paggawa ng Tables Mula sa Data
Nasimulan na nating gumawa ng tables sa mga nakaraang aralin gamit ang Format as Table feature. Ngunit, bukod sa paglapat ng disenyo at styles sa table, ay marami pa tayong maaaring gawin dito.
Tingnan natin ang halimbawa. Sa ating exercise file ay may raw values nang nakainput sa ating workbook. Ito ay mga datos ng mga buwanang gastusin sa loob ng isang taon. Suriin ang istraktura ng ating data. Ang bawat column natin ay may katumbas na buwan. Ang bawat row rin ay may katumbas na gastusin o expense items.
Ngayon ay i-format natin ito bilang table.
I-select ang A2 hanggang M9. I-click ang Format as Tables at pumili ng style preset. Sa Create Table box, siguraduhing naka-check ang “My table has header.” I-click ang OK.
Ayusin din natin ang number formatting. Dahil money at Peso values ang ating expense data, gamitin natin ang Accounting format. Palitan ang number format at currency symbol.
I-select ang B3 hanggang M9. Mag-right-click sa selection at piliin ang Format Cells. Dito, i-set sa Accounting ang number format at piliin ang Philippine Peso symbol.
Paggamit ng Table Design
Ngayong may naka-set nang table sa ating worksheet, ay pwede pa nating ma-configure ang iba’t ibang settings nito gamit ang Table Design tab.
Mag-select lamang ng cell na kasama sa ating table. Lalabas ang Table Design tab sa taas. I-click ito.
Sa Table Design ribbon makikita ang iba’t ibang table options. Atin munang bigyang pansin ang Table Style Options.
Dito makikita ang ilang mga checkboxes na pwedeng i-check o uncheck upang i-enable o disable ang ilang options.
- Gamit ang header row upang mai-display o hide ang ating headers.
- Ang first and last column ay magto-toggle ng pagka-bold ng mga ito.
- Ang banded rows at columns naman ay maglalagay ng borders upang malinyahan ang kadaw row at column.
- Ang total row ay magdagdagdag ng row sa dulo kung saan mailalagay ang grand total ng table.
- Ang filter button ay magto-toggle ng dropdown button sa kada column header.
Upang palitan ang table styles, mamili lamang ulit mula sa presets o mag-customize.
Kung sakaling kailangang magdagdag ng columns o rows na kasama sa table, pwedeng i-click ang Resize Table at i-select o i-enter ang panibagong range na sasaklaw sa ating table.
Paggamit ng Filter at Sort
Mapapansing pagkatapos nating i-format as table ang ating data, ay nagkaroon ng dropdown arrows ang ating column headers. Naka-enable by default ang filter buttons kapag gumawa tayo ng bagong table.
Subukan nating gamitin ang filters sa ating Expense column. I-check o uncheck ang entries. Base sa mga ito ay pwedeng piliin kung anong mga rows ang naka-display o naka-hide sa ating table. Mapapadali nito ang paghanap ng impormasyon dahil pansamantalang itatago nito ang mga datos na hindi natin kailangan.
Gamit pa rin ang filter buttons, pwede nating ibahin ang pagkakasunud-sunod ng ating data. Pwede ring gamitin ang Sort and Filter dropdown sa Home tab ribbon o sa Data tab ribbon.
Piliin ang ascending upang magsimula sa pinakamaliit na numeric value papalaki o alphabetic order ang data. Piliin ang descending kung papaliit o reverse alphabetic order ang nais.
Makikitang ito ang kagandaghan ng paggamit ng Format as Table. Dahil nakaayos ang ating datos, madaling mag-proseso at magmanipula nito.
Freeze Pane
Kung minsan ay lalagpas sa ating worksheet window ang datos na ating tinitingnan. Dahil dito, pwedeng mahirapan tayong maghanap ng impormasyon kung mawawala sa paningin natin ang ating column at row headers.
Mainam na i-freeze ang column at row headers natin.
Para gawin ito, i-select ang unang cell pagkatapos ng ating row at column headers. Sa ating halimba ito ay ang B3. Pumunta sa View tab, at i-click ang Freeze Panes dropdown. Piliin ang Freeze Panes.
Ngayon, kung tao ay mag-scroll pababa ko pakanan, maiiwang naka-display ang ating column at row headers. Madali pa rin nating mabibigyang saysay ang data ng mga cells.
Upang i-disable ito, piliin ang Unfreeze Panes sa dropdown.