Ito ay bahagi ng serye ng video tutorials sa paggamit ng Microsoft Excel.
Sa araling ito, alalamin natin ang sumusunod:
- Ang chart sa Excel
- Paghahanda ng data
- Ang Column o Bar Chart
- Ang Line Chart
- Ang Pie Chart
Exercise Files
Upang mapadali ang inyong pagsabay sa aralin, maaaring i-download ang exercise files:
Ang Chart sa Excel
Sa ordinaryong mambabasa, madalas ay hindi madali o mabilis intindihin ang nilalaman ng worksheet o tabular data. Upang matulungan sila, maaari tayong magpakita buod o summary ng impormasyon gamit ang mga chart.
Ang mga chart ay graphics na ginagamit sa data visualization. Mas madali kasing intindihin ang data kung visual ito. May iba’t ibang tipo ng chart na maaaring magawa gamit ang Excel. Ang ilan sa mga pinakagamit ay ang column at bar chart, ang line chart, at ang pie chart.
May kanya-kanyang gamit o purpose ang kada chart. Kaya alamin ang data at ang nais na mensahe na ipabatid upang mapili ang tamang visualization ng ating data.
Kaya din na makagawa ng mga mas komplikadong charts tulad ng scatter plot, bubble chart, area chart, waterfall, at funnel charts. Sa araling ito ay titingnan muna natin ang mga naunang nabanggit.
Paghahanda sa Data
Ang isa sa pinakaimportanteng gawin sa paggawa ng charts ay ang paghahanda sa ating datos. Mainam na naka-format as table ang ating data upang mapadali ang ating trabaho. Maaaring balikan ang ating nakaraang aralin sa pag-format ng data as tables.
Sa ating halimbawa, makikitang nakaayos na ang ating datos ng mga buwanang gastos sa loob ng isang taon. Naka-format na ang data as table. May total rows at columns na rin na gumagamit ng function. Nakatutulong ang pagkakaroon ng tamang headers at totals dahil ito ang gagamitin ng Excel upang madaling matuntunton ang item, category, at value na ipapakita sa chart.
Ang Column o Bar Chart
Gumagamit ang column chart ng mga column o nakapatayong baras upang ipakita ang laki ng value. Ang X o horizontal axis ay naglalaman ng category at ang Y o vertical axis naman ay nagpapakita ng value o laki. Mainam na gamitin ito upang magkumpara ng mga bagay nang magkatabi o side-by-side.
Sa halimbawa, pagkumparahin natin ang laki ng gastos ng utilities. Gumawa tayo ng column chart.
Ilagay ang ating cursor sa unang cell ng table. Ito ay ang cell A2. I-click ang Insert, sa charts cluster, piliin ang column charts. I-select ang clustered columns sa ilalim ng 2-D charts.
Gagawa agad ito ng column chart na nakasama ang lahat ng datos sa ating table. Hindi rin wasto ang mga gamit na axis. Huwag mag-alala dahil maaari nating i-refine o i-edit ang laman ng chart na ito. Habang naka-select ang ating bagong gawang chart, ay bubuksan din nito ang Chart Design tab. Kung hindi nakabukas ang tab, i-double-click lang ang chart.
Ang category na nais natin sa X axis ay ang mga buwan ng taon. Upang palitan ito, i-click ang Switch Row/Column sa ribbon ng Chart Design. Mapapalitan ang ating X axis categories.
Sunod ay limitahan lang natin ang mga nakasamang datos. I-click ang Select Data. Lalabas ang Select Data Source Box. Sa Chart Data Range, pwedeng palitan ang nasasaklaw na range na pinaghuhugutan ng ating chart ng values. Sa ngayon, tama naman ito.
Sa Legend Series o Series, dito natin makikita ang mga expense items. I-uncheck natin ang lahat maliban sa Electricity at Water. Naisama rin ang Totals sa Horizontal Categories. I-uncheck ito. I-click ang OK.
Makikita na natin sa chart ang paghahambing ng ating utilities expenses.
Maaari palitan ang styling ng chart gamit. Pwedeng pumili sa preset o kaya ay mag-customize ng mga kulay, label, at chart elements.
Pwede ring ilipat sa sarili nitong sheet ang kada chart upang hindi maging magulo ang ating worksheet.
Halos kapareho ng column chart ang bar chart. Gamit din nito ang mga baras. Ngunit, sa halip na nakapatayo, ay nakapahiga ang mga ito. Nagpalit lamang ng axis. Ang X axis ang nagpapakita ng laki ng value, at sa Y axis nakalaman ang category. Kung nais na gawing bar chart ang ating chart ngayon, i-click ang change chart type, at piliin ang Clustered Bar sa lalabas na menu.
Ang Line Chart
Ang line chart ay gumagamit ng mga magkakakonektang points at lines. Ang X axis ay nagpapakita ng time interval at ang Y axis ay nagpapakita ng laki ng value. Mainam na gamitin ito upang magpakita ng mga trend ayon sa panahong lumilipas.
Halimbawa, nais nating makita ang pagtaas o pagbaba ng gastusin sa kuryente sa loob ng taon. Burahin natin pansamantala ang nagawang chart at gumawa tayo ng bago.
Piliin muli ang table at mag-insert ng chart. I-select ang 2D line chart. Pagpalitin muli ang series at categories gamit ang Switch Row/Cloumn. I-click ang Select Data. I-uncheck ang lahat ng elements at iwan lang ang Electricity. Sa Horizontal Categories naman, i-uncheck ang Total dahil naisama ito. I-click ang OK.
Lalabas ang ating line chart ng Electricity expenses sa buong taon. Mula rito, maaari tayong makagawa ng simpleng analysis. Halimbawa, mapapansing mataas ang bayarin sa kuryente sa panahong March hanggang May. Kung pag-iisipan kung bakit may gainitong trend, pwede itong i-correlate sa ideya tag-init kaya mas madalas ang gamit ng aircon o electric fan pampalamig.
Ang Pie Chart
Ang pie chart ay ginagamit upang magpakita kung ilang porsyento ng kaubuuan ang value ng kada item. Para kasing hati o slice ng pie o pizza ang kada item.
Ngayon, tingnan natin kung paano maipakita ang pagkakahati-hati ng taunang gastusin. Dito natin gagamitin values ng Total column para sa ating pie chart.
Sa Excel, maaari nating pansamatalang itago ang ilang mga datos gamit ang Hide Columns/Rows. Itago muna natin ang columns na naglalaman ng mga buwan. I-select ang column B hanggang M. I-right click ito at piliin ang Hide. Mawala man sa paningin ang mga columns, nakatago lamang ang mga ito.
Itapat muli ang cursor sa table. I-click ang Insert. Piliin ang Pie Chart > 2D Pie. Pumili ng style na nagpapakita ng percentage.
Dito, makikita natin ang composition ng ating yearly expenses. Pinakamalaki ang gastos sa renta at pinakamaliit naman ang gastos sa tubig. Gamit ang mga charts ay posibleng makakita o makadiskubre tayo ng mga insights tungkol sa ating data.
Upang ibalik ang mga nakatagong column o row, i-select ang dalawang column o row kung saan nakapagitna ang hidden column o rows, i-right click ang selection at piliin ang Unhide.