Ito ay bahagi ng serye ng video tutorials sa paggamit ng Microsoft Excel.
Sa araling ito, aalamin nating ang mga sumusunod:
- Pag-adjust ng column at row size
- Pag-apply ng cell formatting
- Paggamit ng Format Painter
- Paggamit ng styles
- Paggamit ng conditional formatting
Exercise Files
Upang mapadali ang inyong pagsabay sa aralin, maaaring i-download ang exercise files:
Pag-Adjust ng Column at Row Size
Kailangan nating ayusin ang laki ng ating columns at rows upang masigurado nating makikita nang malinaw ang lahat ng datos.
Upang i-adjust ang column o row size, i-hover lang sa right border ng column letter o sa bottom border ng row number ang mouse cursor. Kapag nagpalit na ang cursor sa linya na may dalawang arrow ay i-click and drag ang mouse. Mag-a-adjust ang laki ng column o row.
Maaari nating gamitin ang autofit na ginamit na natin sa nakaraang aralin. I-double click ang border ng column letter o row number upang automatic na mag-adjust ang width o height base sa pinakamahabang laman ng cell.
Pwede ring i-set ito manually. I-right click lamang ang letter ng column o number ng row sa itaas o sa gilid. Ise-select nito ang lahat ng cells sa ilalim ng column at bubuksan ang context menu. Piliin ang column width o row height. Ilagay ang nais na laki sa box. Gamit nito ang point scale tulad ng sa font size.
Pag-Apply ng Cell Formatting
Tulad sa Word, maaari rin tayong gumamit ng ilang formatting option upang mabigyan ng ibang hitsura ang ating worksheet.
Maaaring mamili ng font, font size, at styles. Pwedeng i-set kung bold, italic, underline, may highlight o text color ang ating cells.
Pwede ring i-set ang alignment options. Mamili sa top, middle, o bottom ang vertical alignment at sa left, center, o right sa horizontal alignment.
Kung mahaba ang text data na ating inilalagay at makasisira ito sa ating column width, maaaring i-set ang text wrapping upang gumamit ng multiple lines ang cell. Kung kailangang pagsamahin ang dalawa o hight pang cell, pwedeng mag-select sa Merge options.
Pwede ring lagyan ng borders ang cells upang mas makita ang pagkakahati ng mga ito lalo na kung ipi-print ang document. I-select lamang ang cell at pilian ng border style.
Kung nais naman na mas masinsin na pag-format ng cells, mag-select ng cell, column, o row, at i-right click ito. Piliin ang Format Cells. Gamit ang box, ay mailalagay natin ang iba’t ibang setting para sa alignment, font, border at fill. Dito sa Format Cells box makikita ang mas malalim na setting at configuration ng number format tulad ng date format, kung gaano karaming decimal points ang ipakikita, anong currency symbol ang gagamitin at iba pa.
Kung nais mag-apply ng formatting sa cells na hindi magkakatabi, pwedeng namang mag-select ng non-adjacent cells. I-click ang unang cell at i-hold ang Ctrl key habang nag-cli-click pa ng ibang cells. Mag-apply ng formatting sa mga napiling cells.
Paggamit ng Format Painter
Pwede ring kopyahin ang formatting ng cells. Dito ginagamit ang Format Painter sa Clipboard. I-select lang ang cell na pagkokopyahan at i-click ang Format Painter button. Maiiba ang cursor natin habang may active source. I-click ang target cell na nais nating malapatan ng formatting. Mapapalitan ng formatting at number format ang ating target cell base sa source cell.
Paggamit ng Styles
Para mapabilis ang pag-disenyo ng ating data, maaaring gumamit ng styles. I-select lang ang cell o range of cells na nais lapatan ng disenyo, i-click ang Cell Styles sa Ribbon at pumili mula sa presets.
Kung table naman ang nasa worksheet, pwedeng i-select ang mga cell na kasama sa format. I-click ang Format as Table na dropdown at mamili sa mga presets.
Paggamit ng Conditional Formatting
Ginagamit ang conditional formatting upang kusang magpalit ng formatting ang cell depende sa laman nito.
Halimbawa, may table tayo ng quiz scores ng isang mag-aaral. Ang passing percentage sa bawat quiz ay 75%. Kung nais nating magbago ang format ng percentage column depende kung bagsak siya rito, ay lagyan natin ng condition formatting ang mga cells nito.
I-select ang cells. I-click ang Conditional Formatting dropdown sa Ribbon. Piliin ang Highlight Cell rules. I-select ang Less Than. Ilagay ang passing percentage na 75%. Huwag kalimutan ang percent sign. Kung hindi ay ituturing na whole number ito at lahat ng percentage values natin sa column ay tatratuhing bagsak. Piliin ang style na ilalapat sa cell. Pwede ring gumawa ng custom format. I-click ang OK. Makikitang mapapalitan ang format ng lahat ng cell na papasok sa criterion na ito.
Pwede ring gumawa ng custom rules. Sa isa pang halimbawa, may table tayo tungkol sa status ng mga buwanang bayarin o bills.
May data validation tayong ginawa sa cells sa ilalim ng Status column. Tatlong values lang ang laman nito: PAID, PENDING, at OVERDUE. Depende sa mga values na ito, ay lagyan natin ng Conditional Formatting ang cells.
Tatlong condition ang kailangan nating gawin dito:
- Kung PAID, lagyan natin ng green na formatting ang cell
- Kung PENDING, lagyan natin ng orange
- Kung OVERDUE, gawin nating red
I-click ang Conditional Formatting > Piliin ang Manage Rules. I-click ang New Rule. Sa Rule Type, piliin ang Format only cells that contain. Sa mga dropdown, piliin ang Specific Text, containing, at i-type ang “PAID”
I-click ang Format Button. Sa box, pumunta sa Font tab at pilian ng font color na green, siguraduhing yung darkest shade ng green ang piliin. Sa Fill tab, pumili ng mapusyaw na shade ng green. I-click ang Okay. Makikita sa preview bar ang hitsura ng.
Magdagdag pa ng rules para sa PENDING at OVERDUE conditions.
I-click ang OK para ma-apply sa ating cells ang format.
Palitan ang mga values sa cells upang makita kung na-apply ng tama ang formatting base sa rules.