Select Page

Tuloy po kayo sa Techno Tito – ang inyong tagapaghatid ng kaalaman tungkol sa digital and technology enablement para sa ating mga Pilipino.

Layunin natin na mapadali ang ating mga buhay gamit ang teknolohiya. Malaking bahagi nito ay ang wastong paggamit ng digital tools na nakapaligid sa atin. Kaya naman sama-sama nating pag-aralan ang iba’t ibang technology concepts at skills para mapabuti ang ating mga sarili.

Mahirap nang makahanap ng bagay na hindi nai-impluwensyahan ng teknolohiya ngayon. Dati rati ay sa paaralan lamang o sa opisina makakikita ng mga computer. Ngayon, hindi na lamang ang mga desktop o laptop ang maituturing na computer. Ang ating mga smartphone at iba pang mga smart appliances sa bahay ay mga computer na din.

Gamit din natin ang mga software, apps, at websites para tuparin ang ating mga gawain. Kaysa pumunta sa tindahan o mall, pwede na tayong mag-online shopping. Sa halip na pumila sa bangko o bayad center, pwede na din tayong magbayad gamit ang ating mga telepono.

Ngunit kahit na gamit na gamit natin ang ating mga gadget at umuubos ng napakaraming oras sa mga apps, nasusulit ba natin ang mga ito?

Ang Techno Tito ang inyong magiging gabay kung paano nga ba sulitin ang teknolohiya. Dito ay makapanonood kayo ng mga tutorials at mga technology tips.

Kaya mag-subscribe sa aming YouTube channel upang lagi kayong makatanggap ng notification tuwing may bagong upload na video o kaya naman ay laging bumisita dito sa aming website.

‘Yan lamang muna. Salamat!